10 KLASE NG MANGINGINOM… A COMPILATION

Grabe talaga nung isang araw, matapos dumalo ng kasal ng aking pinsan e, diretso na kaagad kami ng aking mga kaibigan sa kalapit na BEERHOUSE upang mag-inuman, walang sinasanto kahit na kabilin-bilinan ng aking lola na wag uminom. Pero tindi, naka-4 akong REDHORSE at hindi biro iyon! habang naglalasingan e napag-usapan namin kung anong klase kaming manginginom. Heto ng nagawa naming classification about heavy drinkers.

PASSAGE – mahilig magpass ng tagay.

THE HIKER – palipat-lipat ng pwesto para iwas tagay.

THE MARTYR – nagpapanggap na kaya pa kahit na senglot na.

KID SENTI – madami naaalala pag nakainom na.

THE FUGITIVE – umuwi ng walang paalam, naglalahong parang bula pag nakainom.

KUNG FU – KUNG FUmulutan, malupit, tirador ng pulutan, ginagawang picnic.

THE CHOSEN ONE – official runner sa tindahan. Bumibili ng yelo, yosi at alak.

SPIDERMAN -  gumagapang na sa daan pag umuwi dahil sa kalasingan.

RESBAKERS – mga nakainom na palaging naghahanap ng away o gulo.

LIBHOGZ – mga nakainom na malupit pagdating sa sex, madalas kasama ng prosti.

– kung tatanungin mo ako kung anong klase ako ng manginginom, e, siguro mahahalera ako sa KUNG FU dahil tirador ako ng pulutan! hehehe!

Mag-iwan ng Tugon