Are you “IN”?
Are you in?
Iyan ang tanong ko sa iyo ngayon? Masasagot mo? Kung sasabihin mong hindi ka “in”, mabuting bata, nagsasabi ka ng totoo. Kung sasabihin mong “you are in”, anak nakikita ka ng Diyos… you’re a BIG LIAR!
Nasabi ko iyan dahil marami sa ating mga Pilipino ang wala pa sa uso. Akala ko ba lahat tayo updated sa mga ganyan. Bakit naunahan pa tayo ng Europe na super “in” na ngayon, di dahil sila ay fashonista o may bagong high-tech gadget, kundi dahil lahat sila ay NAKAPAGSASALITA NG WIKANG USONG-USO SA BUONG MUNDO.
ESPERANTO ANG TINUTUKOY KO, BABY! Siguro you’re wondering dahil NGAYON MO LANG ITO NARINIG. Nababasa ko na sa iyong isipan ang mga katagang “WHAT’S THAT?” o “ANO IYAN?” Anyway, ang Esperanto, tulad ng English ay isang wika. WIKA. Yun nga lang malaki ang pagkakaiba nito sa ibang mga wika. DAHIL ARTIFICIAL LANGUAGE ITO. Artificial. Ibig sabihin, gawa lamang ito ng iisang tao na lumawak sa buong Europa at naging isang trend.
Ang Esperanto ay ginawa ni L.L. Zamenhoff, isang ex-Polish noong (kung hindi ako nagkakamali) 1887. Naging sikat ang Esperanto simula pa noong WWII at matapos ang ilang dekada, umariba ito sa US, Latin America, Brazil, China, Japan at sa ibang parte ng Africa. Sa kasalukuyan, Esperanto ang wikang ginagamit ng mga kabataang Pranses, Italyano, German at Espanyol dahil para sa kanila, “IN” ang sinumang nakapagsasalita ng ESPERANTO. Noong nasa France ako, ang mga kasing-edad ko ay ESPERANTO ang ginagamit sa kanilang batian, kuwentuhan, pati na rin sa mga gimik. Madalas mong maririnig sa kanila ang mga salitang “Saluton!”, “Bonan Matenon”, “Bonan Vesperon”, “Kiu estas via nomo?” at marami pang iba. Kung ikaw na Pilipino at walang kaalam-alam sa Esperanto, tiyak na discriminated ka. Sa Italy naman, ang alternative sa wikang Italian ay ESPERANTO. Kung wala kang alam sa Italian maliban sa Ciao, e puwede ka pa rin nilang asikasuhin by speaking Esperanto with them. By the way, kung mag-aaral ka sa France, Hungary, Italy, at sa ibang parte ng mundo, Esperanto is included in their curriculum.
Dito sa Pilipinas, palagi tayong updated sa mga new trend. Bakit hindi natin gamitin ang Esperanto, sa school man o sa gimik? Esperanto is the language of all. Kung palaging nasa uso ka, try to speak in ESPERANTO. Dagdag pogi/ganda points iyan! And you are ready to face Europe for better jobs!
I’m sure you’re in!