EXAMPLE NG MGA HINDI TAMANG SAGOT SA MAAYOS NA TANONG:

Posted in Kuya Harry's Best on May 8, 2008 by pinoyonlinenovels

1. “Kumain ka na?”

- “BUSOG PA AKO.”

2. “Andyan ba ang nanay mo?”

- “BAKIT PO?”

3. “Anong oras klase mo?’

- “MAMAYA PA.”

4. “Saan kayo galing, ‘tol?”

- “NAGLAKWATSA LANG KAMI, ‘TOL.”

5. “Paano mo ginawa iyan?”

- “MADALI LANG…”

6. “Bakit wala ka kahapon?”

- “ABSENT PO AKO MA’AM!”

7. “Anong oras na?”

- “MAAGA PA!”

At ang malupit…

8. “Saan ka na?

- “PAPUNTA NA!”

“MUJER” CON PANTALONES

Posted in kuwentong charing with tags on May 8, 2008 by pinoyonlinenovels

Kahapon habang nasa Trinoma ako kasama ang mga best of friends ko, hindi inaasahan na umarya na naman ang pagiging babaero ko. Nakakita kasi ako sa hindi kalayuan ay isang maganda, sexy, at totally seductive na girl na dumaan sa harap ko. As usual, na-love at first sight ako dun sa babae. Siyempre, iniisip kong napakaswerte ko dahil nagkaroon na naman ako ng prospect na girlfriend.

Napansin agad ako ng mga kaibigan ko na parang wala sa sarili kaya tinanong nila ako. Ako naman si gago e pinagtapat ang nakita at nararamdaman. Siempre as expected e nagtawanan ang mga iyon. Ako naman sinundan ang babaeng nagpatibok muli ng aking corazon.

Hinanap ko yung sexing babae sa food court, sa sinehan, nilubot ko lahat. Yung mga kumag kong kaibigan e sumama rin sa akin. Palibhasa e gusto rin nila makita yung babaeng sinasabi ko. 48 years ang lumipas at naaninag ko rin siya- malapit sa restroom ng lalaki. Ako naman si torpe, e, nanatiling tahimik habang nakatitig sa misteryosang babae. Yung mgakaibigan ko rin e napatitig sa mala-diosang kagandahan ng babae. Naghihintay siya sa labas ng restroom ng lalaki at mukhang may hinahanap. Ako naman, ayokong mapalagpas ang napakagandang pagkakataon e sinumpong ako ng kakapalan ng guts at lumapit sa naturang babae.

“Hi, miss…” bungad ko na medyo nahihiya. Ang ganda ng babae. Blond, mala-porselana ang kutis, mala-anghel ang mukha at malaki ag hinaharap. Naka-spaghetti strings lang siya at may suot na napakagandang pantalon na may nakaburdang butterflies, roses, at hindi ko maintindihan kung fleur-de-lis o basta napagtripan lang i-design.

“Hi, I’m Harry…” epal ko sa kanya. Hindi ako nagkamali at tumungin siya sa akin. Nagulat ako sa kanya kasi may nakita ako sa kanyang leeg na hindi inaasahan. May bumubukol na kng anong bagay sa kanyang leeg. Pero hindi ko iyon pinansin at tinuloy ko ang pagpapakilala. Nagsunuran sa akin yung mga friends ko.

“Sorry, I’m not interested with a date with a stranger…” bigla niyang naibulalas. Sa pagkakataong ito bigla akong nagulat… natakot. Bakit ganoon ang boses niya, kakaiba. Parang nasa horror movies… Parang lalaki! Anak ng teteng, sa isip ko. BAKLA PALA YUNG MISTERYOSANG BABAE SA MALL! Pucha! Yun palang bumubukol sa kanyang leeg e ADAM’S APPLE! Walangyanghanepsyeeht!

Nagtawanan ang mga kaibigan ko pagkatapos. Ako naman muling nabigo at umalis sa kumpulan dahil sa kahihiyan. Sayang… kung titignan mo e parang tunay na babae yun pala isang miyembro ng “federacion de las judings” Shit!

Moral Lesson: Huwag maghangad ng may malisya sa isang tao o bagay kung ayaw mong mapahiya at manghinayang.

10 THINGS TO DO WHEN YOU’RE BORED

Posted in Kuya Harry's Best on May 8, 2008 by pinoyonlinenovels

BORED NA BORED NA AKO! Ano ba ang dapat kong gawin upang maging masaya? Siguro heto na lang ang gagawin ko para mapaligaya ko ang aking sarili… - Matt

To Matt: Kung bored na bored ka na sa iyong buhay, heto ang ilang tips para mapaligaya mo ang iyong sarili.

1. PAPAKIN ANG KAPE KUNWARI MILO.

2. KUNG AYAW MO NG KAPE, ISANG DOSENANG BALUT!

3. PAG-ARALAN ANG LANGUAGE NG MGA IPIS, DAGA, BULATE AT SUROT AT SILA’Y KAIBIGANIN.

3. KUNG NANDIDIRI KA SA MGA NILALANG NA ITO, PUMUNTA KA NA LAMANG SA ISANG SULOK AT KILITIIN ANG SARILI.

4. KUNG TRIP MO, E PAGDISKITAHAN MO YUNG INIDORO NG BAHAY NINYO, PUNUIN NG TUBIG ANG INIDORO NIYO!

5. WHEN CURIOSITY ARISES, PAGHIWALAYIN ANG COFFEE CREAMER AT SUGAR SA 3-IN-1.

6. KUNG BORED KA PA AT NAIINITAN KA NA, PAGKASYAHIN MO ANG SARILI SA REF PARA COOL.

7. KUNG BORED KA NANG MAGCOMPUTER, BASAGIN ANG MONITOR, GAWING FLYING SAUCER ANG KEYBOARD, GAWING DOLLHOUSE ANG CPU.

8. KUNG BORED KA PA, MAGKUTO KA NA LANG NG BUHOK O KAYA’Y MAGBILANG NA LANG. ISA-ISA.

9. KUNG HINDI PA UMUBRA, MAGBUNGEE-JUMPING KA, TUMAMBLING O MAG-ACROBAT SA HAGDANAN PARA MASAYA.

10. KUNG GUSTO MO NG HARDCORE, E, HETO MAS MAGANDA, SUNUGIN ANG BAHAY AT SUMIGAW NG YEHEY!

hehehe!

10 KLASE NG MANGINGINOM… A COMPILATION

Posted in Kuya Harry's Best on May 8, 2008 by pinoyonlinenovels

Grabe talaga nung isang araw, matapos dumalo ng kasal ng aking pinsan e, diretso na kaagad kami ng aking mga kaibigan sa kalapit na BEERHOUSE upang mag-inuman, walang sinasanto kahit na kabilin-bilinan ng aking lola na wag uminom. Pero tindi, naka-4 akong REDHORSE at hindi biro iyon! habang naglalasingan e napag-usapan namin kung anong klase kaming manginginom. Heto ng nagawa naming classification about heavy drinkers.

PASSAGE - mahilig magpass ng tagay.

THE HIKER - palipat-lipat ng pwesto para iwas tagay.

THE MARTYR - nagpapanggap na kaya pa kahit na senglot na.

KID SENTI - madami naaalala pag nakainom na.

THE FUGITIVE - umuwi ng walang paalam, naglalahong parang bula pag nakainom.

KUNG FU - KUNG FUmulutan, malupit, tirador ng pulutan, ginagawang picnic.

THE CHOSEN ONE - official runner sa tindahan. Bumibili ng yelo, yosi at alak.

SPIDERMAN -  gumagapang na sa daan pag umuwi dahil sa kalasingan.

RESBAKERS - mga nakainom na palaging naghahanap ng away o gulo.

LIBHOGZ - mga nakainom na malupit pagdating sa sex, madalas kasama ng prosti.

– kung tatanungin mo ako kung anong klase ako ng manginginom, e, siguro mahahalera ako sa KUNG FU dahil tirador ako ng pulutan! hehehe!

MGA TANONG NA DAPAT BANATAN!!!

Posted in Kuya Harry's Best on May 8, 2008 by pinoyonlinenovels

1. BANGIN KA BA?

- NAHUHULOG NA KASI AKO SA IYO…

 2. MAPA KA BA?

- COZ I’M LOST WITHOUT YOU…

3. DRIVER KA BA?

- COZ YOU’RE DRIVING ME CRAZY!!!

4. MAY KILALA KA BANG GUMAGAWA NG RELO?

- HUMIHINTO KASI ANG ORAS KO PAG KASAMA KITA…

5. PINAGLIHI KA BA SA KEYBOARD?

- TYPE KASI KITA…

6. ANONG HEIGHT MO?

- PAANO KA KAKASYA SA PUSO KO?

7. HINDI KA BA NAPAPAGOD?

- KANINA KA PA KASI TAKBO NG TAKBO SA ISIP KO…

8. ALAM MO, HINDI TAYO HAYOP, HINDI TAYO HALAMAN…

—— BAGAY TAYO! BAGAY!————

17 DIFFERENT TYPES OF BOYFRIENDS

Posted in Kuya Harry's Best on May 8, 2008 by pinoyonlinenovels

Sa mga girls diyan. Read this out! Baka isa na sa mga ito ang iyong BF!!!

1. JAMES BOND - mga klaseng boyfriend the chickboy, talagang mahilig sa babae. Ito yung klaseng boyfriend na parating nagbibigay ng sakit ng ulo sa kanilang mga girlfriend. Madalas lumuwa ang mga mata niyan pag may sexing babaeng nakikita.

2. PASTOR ELY - mga boyfriend na hindi makabasag ng pinggan, kadalasang mababait at parang pastor na nangangaral sa mga tao. Madalas niyang pangaralan ang kanyang girlfriend tungkol sa mabubuting salita ng Panginoon. Very endangered ang mga Pastor Ely, kaunting-kaunti lang sila pero magaling humawak ng relasyon.

3. COMMANDER ROBOT - mga boyfriend na seloso, over protective, at paladikta sa kanyang girlfriend. Yung tipong ayaw niyang padapuin yung kanyang GF sa ibang tao. Palagi siyang nakabuntot at binabantayan ang bawat kilos ng kanyang GF. Madalas nasisira agad ang isang relasyon kapag ang lalaki ay Commander Robot.

4. BED-KING - mga boyfriend na kaya lamang gustong magka-girlfriend ay upang gawing pampalipas-oras. Mga boyfriend na masyadong ma-L. Palaging gustong matulog kasama ang kanyang GF. Sexually adventurous si bed-king at hindi ideal ng mga Maria-Clara style na babae.

5. CRISOSTOMO IBARRA - mga boyfriend na masyadong matatalino. Palaging pinaglalaban ang kanyang mga karapatan. Minsan ginagamit ang katalinuhan upang mang-akit ng girls. Palaban, madalas isinisingit ang kayang rights as BF. Kadalasan ito ang mga boyfriend na walang gaanong looks pero dinadaan sa utak ang pagsuyo sa babae. Masyado ring mapalabok ang kanyang sinasabi - yung tipong matalinhaga at para kang magkaka-nose bleed pang kinausap mo.

6. COCO-LOCO - mga lalaking kinababaliwan dahil gwapo, may looks, kaya nga loco. Yun nga lang medyo matu-turn-off ka dahil kung ano ang guwapo niya siya namang kawalan ng utak. Mga BF na sumusunod lang sa agos, walang alam sa buhay. Walang talino in short. Coco dahil parang empty coconut shell ang utak. Madalas ang GF ang sumasalo ng lahat ng problema kapag may problemang dumating sa kanilang relasyon.

7. UTO-UTO - from the word itself. Ito yung mga BF na madaling lokohin, bigay-kaya kahit na alam na niyang niloloko siya. Madalas mahiyain ang mga Uto-uto. Hindi makahindi sa mga girls. Kapag ikaw ang GF niya, madalas ka ring magka-migraine dahil kahit na pangaralan mo e tuloy-tuloy pa rin sa pagpapaloko.

8. MR. EASY-GO-LUCKY - mga BF na kaya lamang nabuhay sa mundo e para mag-bunjee jumping at kumain. Mga walang alam sa buhay, tamad, at sumusunod sa agos. May talino ang mga ito, unlike sa mga coco-loco, ngunit hindi ginagamit ng husto. Mabisyo rin ang ganitong type ng BF. Laging may hithit na sigarilyo, laging nasa inuman, laging nasa lakwatsahan. Kung ikaw ang GF, iniexpect niya lagi kang sasama sa kanyang mga gimmicks. Palatandaan ng mga ganitong BF: palaging kasama ang kanyang mga ka-tropa.

9. ECONOMISTA - mga BF na nakakaimbiyerna hindi dahil pangit ang ugali niya, kundi masyadong BARAT, KURIPOT, at WAIS. Ito yung tipo ng BF na kapag kakain kayo sa labas e sa karinderya ka ibabagsak, o sa tindahan ng kwek-kwek. Less romantic ang mga ganitong BF dahil kapag mag-de-date kayo e laging KKB as in KANYA-KANYANG BAYAD. Masinop sa pera, madalas siyang magbigay ng mga regalo na mabibili lang sa Divisoria, buy-one-take-one pa! Ito yung tipong BF na mas mahalaga pa ang pera kaysa sa kanyang GF.

10. ROADRUNNER -  mga BF na bigay-kaya ngunit wais. Mabilis pagdating sa persistence. Ito yung BF na mabilis pa sa alas-kuwatro pag susunduin niya ang GF sa school man o sa trabaho. Bigay-kaya in a sense na madalas siyang may regalo sa kanyang GF, yung tipong nakatatak na sa utak niya kung kailan ang birthday mo, monthsary ninyo, birthday ng nanay mo, tatay mo, blah-blah. Pero may limitasyon din itong si Road runner dahil pag nag-break kayo, sisingilin niyang lahat ang mga naibigay niya sa iyo.

11. SALAWAHAN -  very very very basic. Mga BF na mahilig sa girls, kung magka-girlfriend e dalawa. Minsan 3. Minsan 4. Mga traydor, palihim na sumisimple sa GF at naghahanap ng panibagong GF. Madalas pinagsasabay ng mga ganitong BF ang dalawa o higit pang relasyon. Madalas itong magbigay ng sakit ng ulo sa GF lalo na kung selosa ang una. Katulad siya ni James Bond, in short, pero ang Salawahan talagang lantaran sa panloloko sa kanyang GF. Ang mga James Bond naman, on the other hand, ay madalas ligaw-tingin lang sa makikita niyang sexy girls. Pero ang Salawahan, gagawin niya ang lahat para lamang mapasakanya ang mga babaeng nais niya.

12. MR. DREAMBOY -  mga BF na masyadong sweet, caring, maalalahanin, thoughtful at parang tutang sunud-sunuran sa GF. Ito yung mga BF na under-de-saya. Sinasamba ang kanyang GF, in short. Ito yung mga BF na madalas tanungin ang kanyang GF kung kumain na ito, kung naiinitan ito, kung nalulungkot ito blah-blah. Pero kung ako ang GF, medyo maaasiwa ako sa mga Mr. Dreamboy dahil para itong tutang susunod-sunod sa iyo. Kulang na lang dilaan ang pwet mo kung tatantiyahin mo kung paano ka niya sambahin. Perfect na sana si Mr. Dreamboy, yun nga lang medyo nakakaasiwa.

13. RICHIE-RICH - ito yung mga BF na hambog, mayabang kasi nga mayaman-rich! Madalas maporma at laging new-wave. Kapag susunduin ang GF laging naka-wheels. Minsan Inglisero, minsan Pilipinong-Pilipino, minsan alien. Elite, maituturing siyang kabilang sa conyo sector. Yun nga lang maiimbiyerna ng kaunti ang GF dahil masyadong paistariray ang mga Richie-rich, gusto palaging bida. Kung mahal talaga ito ng GF, maaasar siya ng kaunti. Kung pera lang ang habol ng GF, wala lang sa kanya.

14. MR. NICE GUY - mga BF na masyadong matindi ang sense of humor. Mga one-liner at joker kaya madalas sumakit ang tiyan ng GF dahil sa katatawa. Parang Easy-go-lucky, medyo nakikiagos lang sa sitwasyon. Minsan papansin din si Mr. Nice Guy pero hindi ka nga maaasar sa halip matatawa ka lang sa kanya.

15. PAPA BORI - opposite ng Mr. Nice guy. Mga BF na BULOK ang sense of humor. Madalas tahimik, borrrriiiiiing, at corny. Heto yung tipong BF na parang may sariling mundo, minsan parang may dinadaluhang lamay gabi-gabi kung tatantsahin mo ang kanyang pagiging boring. Masyado ring problematic si Papa Bori at mahirap pakisamahan. Madalas na rin siyang nabasted dahil sa kanyang ugali.

16. PAPA BORITO - parang Papa Bori, salat sa sense of humor, tahimik, boring, corny pero hindi problematic. Para lang siyang may sariling mundo. Pero madali siyang pakisamahan. Mahiyain, medyo madaling bolahin itong si Papa Borito kaysa kay Papa Bori na parang laging galit sa mundo. Madaling pakisamahan ang Papa Borito at kung ikaw ang GF, medyo pagtiisan mo ang pagiging tahimik niya.

17. MR. RIGHT GUY -  mga BF na guwapo, mabait, perpekto. Wala ka nang hahanapin pa. Isa nga lang ang problema… ANAK NG TETENG! HINDI PA SIYA PINAPANGANAK!

SPEAKING OF VIRGINITY…

Posted in Kuya Harry's Best on May 8, 2008 by pinoyonlinenovels

Speaking of virginity, ayon pala sa latest survey sa Amerika, halos 96% ng mga babae roon ay nadedevirginized at a young age. Ibig sabihin  bata pa lang, suguro mga ages 13 and up, e nagkakaroon na ng mga sex experiences. Sa mga lalaki naman daw, mga age 15 daw una nilang naeexperience ang sex, particulary after their JS Prom, e yugyugan na sila sa kama.

Dito naman sa Pilipinas, halos lahat tayo yumayakap sa kultura ng Amerika. Ugali, pananamit at mga ideya ay hinahango natin sa mga Kano. Pati na rin ang pagiging LIBERATED ng iba sa ating mga kababaihan e nagaya sa mga Westernized countries. Sabi nila, sila raw ay westernized breeding… kaya palagi nilang pinagmamalaki na nasa makabagong mundo na raw sila. Brown Americans.

Minsan nakita ko yung mga kaklase kong lalaki sa Physical Education 4 (Team Sports) na nagkukumpulan sa isang tabi at mukhang may pinagkakaguluhan. Nang lapitan ko sila, nagulat ako dahil ang pinagkakaguluhan pala nila e yung cellphone ng kaklase ko. Hindi yung cellphone ang pinagkakaguluhan nila kundi yung sex video na naroroon. Sabi ng kaklase ko, Casino Filipino Scandal daw yung pinapanood nila. Dahil sinumpong ako ng manly instincts, nakinood rin ako.

Naroon sa video ang isang lalaki na sa tingin ko e foreigner. Hubo’t hubad siya at tila may niyuyugyog. Habang lumalapit ang focus, napagtanto ko na ang niyuyugyog pala ng foreigner ay isang babae. Nagsesex sila sa video. Laking gulat ko na ang babae ay kakulay ng aking balat. Pinay! Kaagad na nawala ang tigas ko at imbis na ma-L, napapikit na lamang ako. Naawa ako sa babaeng iyon, hinahayaan lang niyang babuyin siya ng foreigner. Siguro dahil binayaran siya para gawin lang iyon. Pero isipin mo, ipagpapalit mo ba ang iyong dangal sa kakarampot na pera?

Sabi naman ng mga ibang foreinger na kaibigan ko, kaya daw nila gusto ang mga Pinay e dahil mas hot daw ito kaysa sa mga Puerto Rican o Venezuelan. Game na game daw anytime! Napag-isip-isip ko, ganito na ba ang tingin sa mga Pinay? Sino ang may sala? Sino ang dapat sisihin? Dapat ba nating komprontahin ang mga foreigners at ipag-utos natin ang respeto?

Siguro epekto lang ito ng masyado nating pagyakap sa makabagong prinsipyo. Namatay na ang alaala ni Maria Clara- ang tunay na mukha ng mga dalagang Pilipina.

Mga Makabagong Kasabihan: KAGANDAHAN EDITION

Posted in Kuya Harry's Best on May 8, 2008 by pinoyonlinenovels

Para sa mga magaganda…

AANHIN MO PA ANG GANDA  KUNG WALA KA NAMANG PAPA…”

Para sa mga gustong magpaganda-retokada…

KUNG GUSTO MONG MAGLANDI, TIISIN MO ANG HAPDI!”

Para sa mga feeling  maganda…

TALBOG ANG  MATIGAS NA TINAPAY SA TIGAS NG MUKHA NG NAGMAMAGANDANG INDAY!”

Para sa mga walang ganda…

MABAIT MAN DAW AT MAGALING, ANG CHAKA-CHAKA PA RIN!”

hehehe!

PAANO MO NAMAN MALALAMAN KUNG ANG GF MO AY VIRGIN PA O HINDI?

Posted in Kuya Harry's Best on May 8, 2008 by pinoyonlinenovels

Scientifically ang Psychologically speaking, madali lang malaman sa isang babae kung siya ba ay virgin pa o taken na. Here are the info para mabuking mo ang isang babae kung virgin pa siya o hindi na,

PHYSICAL APPEARANCE:

1. malapad na malapad na ang balakang. yung tipong bilbilin kahit hindi naman mataba (sa women’s nature, malapad ang balakang ng babae, pero mahahalata mo naman kapag masyado nang ooooveeer sa lapad)

2. Mas lumaki ang boobs kumpara sa dati

3. Iba na yung hugis at anyo ng katawan

PSYCHOLOGICALLY:

1. Mahilig sa mga  green jokes. Malaswa ang bibig

2. Palatitig sa mga lalaki, yung tipong para ka na niyang kakainin

3. active siya pag sex na ang pinag-uusapan

4. Kung tumawa siya e parang rinig na rinig mula Maynila hanggang Hong Kong. (Ang mga mahihinhin na babae ay kadalasang mahina lang tumawa)

5. Kung paupuin mo naman siya e yung tipong bukaka, kitang kita na yung singit

6. Sa pananamit naman, ang mga virgin ay balot na balot o kung hindi man, yung tipog hindi mo maaaninag yung cleavage. Yung mga hindi na virgin, e, halos luluwa na ang mga mata mo dahil halos kaluluwa na niya ay nakikita mo na.

Ilan lang iyan sa mapapansin mo sa babaeng virgin pa o hindi. Stay tuned para sa iba pang mga updates.

ONE LAST QUESTION: “Nakakasiguro ka bang VIRGIN PA ANG IYONG GF o kung hindi na, IKAW BA ANG NAKAUNA SA KANYA?”

Think many times as you can… baka sa bandang huli madiskubre mong  professional f*ck*r pala yang girlfriend mo.

PAANO MO MALALAMAN KUNG ANG BF MO AY GAY O HINDI?

Posted in Kuya Harry's Best on May 8, 2008 by pinoyonlinenovels

Tanong sa akin ng pinsan ko kahapon sa text: paano mo malalaman kung ang BF mo ay gay o hindi?. reply ko: ANAK NG… BAKIT AKO BA ANG DAPAT TANUNGIN SA MGA GANYANG BAGAY?

Pero para hindi ako maging mukhang suplado sa pinsan ko, heto ang mga dapat gawin upang malaman mo kung ang BF mo ba ay MACHO o MACHO-MACHOCHOPA. Hehehe!

1. The basic: Ang mga lalakweng nagtatago sa kanyang closet ay takot sa mga maliliit na creatures especially ipis, o daga. Tip: Subukan mong magpain ng ipis sa kanya. Kunwari ay nag-uusap kayo sa inyong bahay nang biglang may eeksenang ipis o daga sa pwesto niyo. Kapag siya ay nagtatalon o tumili ng napakalakas… BAKLA IYON. Pero may mga lalaking takot din sa ipis kahit sabihin mo pang macho iyan pero ang mga MACHO, kahit takot na madapuan ng ipis ay tatapakan at dudurugin lang niya ito, hindi magkukubli sa iyong palda na parang nakakita ng multo.

2. SUBUKAN MONG MAG-MAKE UP SA HARAP NIYA at alamin mo ang magiging reaksyon niya. Kung tatanungin niya sa iyo ay: “Saan mo nabili iyan?” o “Paano ba gamitin iyan?” ikaw na lang ang maghusga. Tapos siyempre tatanungin mo: “Bakit mo tinatanong?” Siyempre sasagot siyang : “Para alam ko kung saan bibili ng ipapangregalo ko sa iyo sa ating monthsary.” Ikaw babae, malakas naman ang pakiramdam mo kaya pakiramdaman mo ang tono ng boses niya. Madali namang malaman kung nagsisinungaling ang iyong boyfriend o hindi.

3. SUBUKAN MONG MAGHULOG NG PANYO O KAHIT ANO MANG BAGAY SA HARAP NIYA AT hayaan mo siyang damputin iyon para sa iyo. Kapag lumuhod siya hawak-hawak ang kanyang dibdib, e BAKLA IYON! Isipin mo, bakit pa niya hahawakan ang dibdib niya e wala namang luluwa sa kanya unlike sa mga babae. Hindi gawain ng tunay na lalaki ang ganong style.

4. TIGNAN MO LAHAT NG MGA PERSONAL BELONGINGS NIYA (e.g. bag o panyo). Pag masyadong maayos as in parang walang mikrobyong naninirahan doon, e, magduda ka na. Ang tunay na lalaki ay hindi super selan. May iba na maselan pero hindi naman tulad ng pahid ng pahid ng alcohol sa kamay tuwing hahawak ng maduduming bagay. Idagdag mo diyan, obserbahan mo kung pumipilantik ang mga daliri niya kapag naghahawak siya ng mga maruruming bagay. Yucky-di-dak-dak!

5. HABANG NASA MAGAZINE STAND KAYO O SIMPLY NASA IYONG LIVING ROOM, MAGLATAG KA NG DALAWANG KLASE NG MAGAZINES: Isa may cover na babae tulad ng FHM at ang isa ay may cover na lalaki naman ang cover tulad ng HIM Magazine (Tiyakin mong yung lalaking cover sa magazine na iyon ay gwapo, semi-naked at seducing). Tapos iwanan mo siya sandali. Kung tunay siyang lalaki YUNG MAGAZINE NA MAY BABAENG FRONT COVER ANG UNA NIYANG DADAMPUTIN. Uuzi siya ng kaunti. Kung ang una niyang dinampot e, yung may FRONT COVER NA LALAKI, e, medyo sabit iyon. ANG TUNAY NA LALAKI AY MAHILIG TUMINGIN NG MGA PICS NG MGA BABAE lalo na kung naka swimsuit o naked. Kahit anong sabihin mo o kahit selosa ka e titingin at titingin rin iyan at hindi mo iyan makokontrol. Pag sabit naman ang BF mo, siyempre mas tinitigasan siya kapag nakakakita siya ng hubad o sexy na lalaking tulad niya. Isipin mo… Logical di ba?

ILAN LANG IYAN sa mga dapat gawin upang malaman mong BAKLA BA O HINDI ANG IYONG BOYFRIEND. May mga susunod pa kaya antabay ka lang…

Sana makatulong ito sa iyo kahit ng kaunti para hindi ka magkaroon ng sakit ng ulo dahil malay mo one of this days e may karibal ka na sa puso niya…yun nga lang lalaki ang karibal mo! Hehehe!